Buong isla ng Camotes sa Cebu, nakakaranas ng power crisis

Cebu, Philippines – Umalma na ang mga residente at mga lokal na mga opisyal sa apat na mga bayan na sakop ng Camotes Island sa humahabang rotational brownout.

Humingi na ng tulong sa kapitolyo ang mga mayor sa apat na mga munisipalidad at ang Camotes Electric Cooperative, para masolusyunan ang power crisis, lalo na’t apektado ang turismo sa nasabing isla.

Ayon sa CELCO, aabot sa 1.4 megawatts ang shortage ng kuryente kada-araw, gaya nagresulta ito sa apat hanggang limang oras na rotational brownout na para sa mga residente ay malaking perwisyo.


Nakaabot na sa Department of Energy ang nasabing problema at ayon kay DOE Visayas Director, Antonio Labios, dapat magkaroon ng transparent at competitive selection process ang CELCO para sa 3rd party na mag-susupply ng kuryente.

Facebook Comments