Buong lalawigan ng Palawan, inalerto dahil sa banta ng Abu Sayyaf Group

46

Manila, Philippines – Naka-alerto na ang buong lalawigan ngpalawan dahil sa banta ng Abu Sayyaf.
 
Ayon kay AFP Western Command Acting Spokesman Lt. Col. Sonny Gonzalez,nakatanggap sila ng impormasyon na papunta na “umano” sa coron ang bandidonggrupo.
 
Gayunman aniya, patuloy pa nilang bineberipika ang nasabing ulat.
 
Dagdag pa ni Gonzalez, pinalakas na rin ang puwersa ng mga sundalosa mga kilalang pasyalan sa Palawan.
 
Ibig sabihin nito aniya, aktibo na ang western command joint taskforce na magtitiyak ng seguridad sa lugar.
 
  Sabi pa nito, hindi pa malinaw sa kanila kung ito rin ba anggrupong na pinaghahanap pa rin ng mga otoridad sa Bohol.
 

Facebook Comments