Buong lalawigan ng pampanga, isinailalim na sa state of calamity  

Isinailalim na sa state of calamity sa buong lalawigan ng Pampanga dahil sa matinding pinsala dulot ng Magnitude 6.1 na lindol.

Sa interview ng RMN Manila kay pampanga PDRRMO Chief Angie Blanco, bukod sa mga apektadong indibidwal, marami rin imprastraktura sa lalawigan na nasira.

Kabilang dito ang Santa Catalina De Alexandria Parish Church sa porac na isang daan taon nang nakatayo.


Ayon kay Blanco, kasabay ng pagsasailalim sa state of calamity, inatasan na ni Pampanga Gov. Lilia Pineda ang mga alkalde sa mga apektadong bayan na agad magsumite ng ulat sa naging pinsala sa kanilang lugar.

Ito ay upang mabilis aniya na malaman ang kailangang tugon at tulong na dapat maipagkaloob.

Nakatakda rin magsumite ng ulat kay Pangulong Duterte ang lokal na pamahalaan ng Pampanga para sa ayuda sa National Government.

Facebook Comments