Manila, Philippines – Hindi na ulit seselyuhan ng Philippine National Police (PNP) ang dulo ng mga baril ng kanilang mga tauhan ngayong Christmas season at pagsalubong ng Bagong Taon.
Ayon kay PNP Chief Ronald Dela Rosa, simula pa nang nakalipas na taon ay inihinto na nila ang pagseselyo ng mga baril ng mga pulis.
Aniya, sa paraang ito ipinakita ng pamunuan ng PNP ang pagtitiwala sa kanilang hanay na hindi masasangkot sa indiscriminate firing at naging positibo ang resulta nito.
Kaya naman dahil sa matagumpay na paraang ito muli nilang ipapatupad ngayong Christmas season ang hindi pagseselyo ng dulo ng mga baril ng mga pulis.
Kaugnay nito kahapon pinaganap na ng PNP ang kanilang ligtas paskuhan 2017 ibig sabihin nito may mga inilatag nang seguridad para maging mapayapa ang pagdiriwang ng pasko at bagong taon.
BUONG PAGTITIWALA | Baril ng mga PNP, hindi ulit seselyuhan
Facebook Comments