Buong probinsya ng Ilocos Sur, isinailalim na sa state of calamity

Isinailalim na sa State of Calamity ang buong probinsya ng Ilocos Sur dahil sa pinsalang iniwan ng bagyong Maring.

Ito ay para makapagbigay ng agarang tulong sa mga biktima ng pananalasa ng bagyo.

Batay sa huling tala ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), halong 7,000 pamilya o mahigit 200,000 indibidwal ang naapektuhan ng bagyo.


Umabot naman sa mahigit P670 million ang halaga ng pinsala sa agrikultura at mahigit P1.5 billion sa imprastruktura.

Sa ngayon, sumampa na sa 40 katao ang napaulat na nasawi dahil sa pananalasa ng bagyong Maring sa bansa.

Batay sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), 23 sa mga ito ay kumpirmadong dahil sa bagyo habang inaalam pa ang 17.

Facebook Comments