Buong proseso ng pagwasak ng higit P9-B na halaga ng iligal na droga, mahigpit na babantayan ni PBBM

Pinangunahan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang pagwasak sa mga nakumpiskang iligal na droga sa isang pasilidad ng pamahalan sa Capas, Tarlac.

Ayon sa Pangulo, talagang tinutukan niya ang pagwasak ng mga kontrabando para matiyak na hindi na ito mare-recycle at lumabas pa sa black market.

Nais masiguro ng Pangulo na ito’y dumaan sa testing hanggang sa mailagay na sa incenerator para wasakin ang bulto-bultong illegal drugs, at maisasapubliko ng media para maiwasan ang mga pagdudududa na ito’y napalitan.

Kumpiyansa ang Pangulo na mawawasak ang lahat ng iligal na drogra at ang active ingredients nito sa init na 700 degree celsius sa buong 10 hanggang 12 oras na proseso.

Tinatayang nasa P9.48 billion na may bigat na higit 1,500 kg ang winasak na ilegal na droga sa Capas, Tarlac.

Kasama na rito ang P8.87 billion o 1,300 kg na floating shabu na nakuha sa ilang baybayin sa Luzon ngayong buwan.

Facebook Comments