Manila, Philippines – sibak sa puwesto ang buong puwersa ng 402nd Maritime Police Station ng Cavite.
Ito ay makaraang madakip sa entrapment operation ng PNP-Counter Intelligence Task Force ang hepe nito na si supt. armandy dimabuyo dahil sa umano ay pangingikil sa mga mangingisda.
Huli sa aktong pagtanggap ng P18,000 si dimabuyo mula sa mga biktima.
Nag-ugat ang operasyon makaraang ireklamo ng ilang mga may-ari ng motorized banca sa Cavite ang panghihingi ng suspek ng P19,000 hanggang P21,000 na bayad kada buwan mula sa asosasyon ng mga mangingisda.
Pahaharapin sa mga kasong robbery extortion at grave misconduct si dimabuyo habang ang 13 tauhan nito ay papalitan muna ng special operastions unit.
Ang pagbakante sa buong 402nd maritime police station ay iniutos ni pnp maritime group C/ Supt. Rodelio Jocson.