Buong quarantine group sa NAIA, sinibak

Manila, Philippines – Sinibak ni Agriculture Secretary Manny Piñol ang buong quarantine group sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa kabiguan na magpatupad ng quarantine protocols para hindi makapasok ang mga karne ng baboy na infected ng African swine fever.

Ani Piñol, bago ang holiday season ay inatasan niya si Bureau of Animal Industry (BAI) acting Director Ronnie Domingo na tiyakin na makapaglagay na ng  footbaths facility sa lahat ng quarantine stations.

Pero, nagsumbong aniya ang grupong SINAG sa kaniya na walang quarantine procedures sa itinuturing na main airport ng bansa.


Ayon kay Piñol, inamin sa kaniya ni Bureau of Animal Industry (BAI) Director Ronnie Domingo na nabigo ang NAIA quarantine group na makapaglagay ng tinatawag na footbath sa NAIA para sa pagharang ng mga kontaminadong food products.

Inatasan ni Piñol ang DA Internal Administrative Service mag-imbestiga kung kinakailangan na kasuhan ng   dereliction of duty ang mga tauhan ng quarantine security group.

Facebook Comments