Itinaas ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) ang COVID-19 Alert Level 1 sa Rehiyon 1 o sa mga probinsya ng La Union, Ilocos Sur, Ilocos Norte, Pangasinan at Dagupan City.
Epektibo ang naturang Alert Level nitong Abril 15-30 2023 kung saan ang Resolution No. 6-C series of 2023 ay naglalagay sa ilang lugar sa ilalim ng alert level ay nilagdaan ni Department of Health (DOH) officer-in-charge Maria Rosario Vergeire at Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos noong Abril 14, 2023.
Sa naging panayam ng IFM Dagupan sa tagapagsalita ng DOH-Center for Health Development 1 na si Dr. Rheuel Bobis, makikita na mababa ang kaso sa rehiyon uno base sa kanilang monitoring at nag-aaverage lamang sa anim (6) na kaso kada araw at nananatili naman na low risk ang healthcare utilization kung saan base sa mga indicators na ito ay nasa low risk lamang o alert level 1 ang rehiyon at dapat huwag magpakampante dito.
Base sa pinakahuling monitoring ng ahensya, siyamnapung kaso ngayon ang aktibo sa rehiyon, kung saan pinakamataas ang lalawigan ng Pangasinan kasama na ang Dagupan City na mayroong 31 na kaso, sinusundan ito ng La Union na may 29 na kaso, 16 sa Ilocos Norte at 14 naman sa Ilocos Sur.
Samantala, ayon naman sa IATF, ang Alert Level 1 ay nangangahulugan na may mababang panganib ng pagkalat ng COVID-19 sa lugar, ngunit dapat pa ring mahigpit na sundin ang mga hakbang sa pag-iingat.
Pinapayuhan ngayon ng ahensya ang mga indibidwal na ipagpatuloy ang pagsasanay sa mga minimum public health standards, tulad ng pagsusuot ng face mask, pag-obserba ng physical distancing, at regular na paghuhugas ng kamay.

Facebook Comments