Tiniyak ni Senator Christopher “Bong” Go na makakarating sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Visayas at Mindanao ang buong suporta at tulong mula sa pamahalaan.
Inihayag ito ni Go kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte ng state of calamity sa ilang rehiyon na sinalanta ng kalamidad.
Ayon kay Go, ang aksyon ng pangulo ay magpapabilis sa pagsasagawa ng rescue, relief, at rehabilitation efforts ng gobyerno at ng pribadong sektor sa mga biktima at lugar na naapektuhan.
Diin pa ni Go, ang deklarasyon ng state of calamity ay daan din para maipatupad ang price ceiling sa mga pangunahing bilihin at pangangailangan mga lugar na napinsala ng bagyo.
Sabi ni Go, bunga ng hakbang ng pangulo ay magagamit agad ang pondo para sa mga biktima ng kalamidad sa gitna ng patuloy na pagbuhos din ng pondo ng national government pondo sa pagtugon sa COVID-19 pandemic.
Samantala, ilang beses nang nagsagawa ng aerial inspections si Pangulong Duterte kasama si Senator Go sa mga lugar na tinamaan ng bagyo sa Visayas at Mindanao.
Binisita rin nila ang evacuation centers at mga biktima ng bagyo na personal nilang pinagkalooban ng tulong.