Manila, Philippines – Bilang isang abogado, pinaiiral ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Presumption of Innocence Until Proven Guilty, ito ang sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, kasunod ng mga batikos na ibinabato sa Pangulo dahil sa pagtatalaga nito kay dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang bagong Deputy Administrator ng Office of Civil Defense (OCD).
Ayon kay Roque, nagtitiwala ang Pangulo kay Faeldon, kaya at binibigyan niya ulit ito ng ikalawang pagkakataon para manilbihan sa bayan.
Bukod dito, ang pagkakatalaga aniya kay Faeldon ay bahagi ng kapangyarihan ng Pangulo bilang lider ng bansa.
Matatandaang, umani ng mga kritisismo mula sa mga senador ang pagbibigay ng bagong posisyon kay Faeldon, sa kabila ng pagkaka detain nito sa Senado, dahil sa pagtangging makipagtulungan sa imbestigasyon ng 6.4 billion pesos shabu shipment na naka lusot sa Bureau of Customs (BOC).