Nag-viral sa social media ang ngayon ay buradong selfie ni Department of Environment and Natural Resources Undersecretary Benny Antiporda sa ‘dolomite’ white sand beach sa Manila Bay sa gitna ng pananalasa ng Bagyong Ulysses.
Batay caption sa post, sinabi ni Antiporda na “Dolomite lang ang matatag”
Mayroon ding siyang ilang pictures kasama sa lugar si MMDA Spokesperson Celine Pialago.
Paliwanag naman ni Pialago, dapat nakatuon ang mga tao sa pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.
Kumuha sila ng picture ni Antiporda sa Roxas Boulevard nang inspeksyunin nila ang estado ng mga kalsada.
Dagdag pa ni Pialago, mas eksperto ang mga taga-DENR sa pagpapaliwanag hinggil sa dolomite.
Iginiit din ni Pialago na nagtungo rin sila ni Antiporda sa Marikina para tulungan ang mga residente.
Matatandaang nabatikos si Antiporda matapos niyang batikusin ang opinyon ng mga scientists ng University of the Philippines (UP) sa proyekto, pero kinalaunan ay humingi siya ng patawad.