Inirekomenda ng isang mambabatas ang ‘burden sharing’ o paghahati ng pasanin upang matugunan ang epekto ng sunud-sunod na oil prce hike.
Sinabi ito ni House Committee Chairman on Ways and Means at Albay 2nd District Representative Joey Salceda sa panayam ng RMN Manila kaugnay sa panawagang isuspinde ang excise tax sa langis.
Ayon kay Salceda, hindi dapat mga konsumer lamang ang papasan ng dagdag na gastusin na 240 billion pesos dahil sa bawat 10% na pagtaas ng presyo ng krudo ay mahigit 100 libong pilipino ang naghihirap.
Dahil dito, isinusulong na rin ni Salceda na itaas ang minimum wage ng mga manggagawang pilipino bilang parte ng korporasyon sa burden sharing
Sa ngayon, wala pang tugon si Pangulong Duterte kaugnay sa panawagan ng kongreso na pagpapatawag ito ng special session dahil sa tuloy-tuloy na oil price hike.