Kinumpirma ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang panibagong kaso ng bird flu sa isang egg farm sa San Luis, Pampanga.
Dahil dito, agad na magpatupad ng integrated disease control measures ang Department of Agriculture (DA) Central Luzon Regional Field Office, Provincial Veterinary Office at San Luis Local Government Unit (LGU) upang maiwasan ang pagkalat ng A(H5N6) strain ng Avian influenza.
Ayon kay BAI Director Ronnie Domingo, abot sa 38,701 na pirasong mga manok ang pinata at agad na inilibing bilang bahagi ng Avian influenza protection procedure.
Pero hindi pa naman nadi-detect ng mga broilers na manok ang A(H5N6) virus na pinagkukunan ng karne ng manok.
Nakatulong umano dito ang maagang pag-uulat sa mabilis na pagtugon sa sakit.
Sa initial field investigation, lumilitaw na namonitor ang pagdagsa ng migratory birds sa San Luis na malimit na isinisisi sa bird flu outbreaks sa ibang bansa.