Nilinaw ng Bureau of Animal Industry (BAI) na ligtas sa mga sakit ang mga karneng baboy na dinadala sa mga pamilihan sa Metro Manila sa kabila ng pagkakasakit ng maraming baboy sa probinsya ng Rizal.
Pagtitiyak ng BAI, hindi nila papayagang makaalis sa ibang parte ng Rizal ang mga maysakit na baboy.
Kasunod nito wala umano silang nakikitang outbreak ng mga sakit ng baboy sa mga kalapit na lugar ng Metro Manila.
Dagdag pa ng BAI, ang sakit na Cholera ay endemic at dati nang sakit ng mga baboy dito sa bansa.
Samantala, posibleng mailabas na sa susunod na Linggo ang pagsusuring ginawa sa mga baboy sa Rizal.
Facebook Comments