Muntinlupa City, Philippines – Aminado ang Bureau of Corrections (BuCor) sa na blangko sila sa gagawing diskarte ng Pangulong Duterte sa pagresolba sa problema sa droga na New Bilibid Prisons sa Muntinlupa City.
Ito ay kumpirmahin mismo ng Pangulo na bumalik nga ang kalakalan ng iligal na droga sa NBP.
Ayon kay Bureau of Corrections Director General Benjamin Delos Santos, posibleng pairalin ng Pangulo ang “classic Duterte way” sa paglutas sa nasabing problema bagamat tumanggi itong magbigay ng karagdagang detalye.
Sa ngayon aniya, wala namang bagong direktiba sa kanya si Justice sec. Vitaliano Aguirre II hinggil sa NBP drug trade.
Una nang inihayag ng Pangulong Duterte na ang panunumbalik ng kalakalan ng droga sa NBP ang susunod niyang pagtutuunan ng pansin.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558