Bureau of Corrections, tikom ang bibig sa pagsasauli ng shabu ng Bilibid inmates

Manila, Philippines – Tumanggi ang Bureau of Corrections na magsalita kaugnay ng pagsasauli ng shabu ng mga bilanggo sa New Bilibid Prisons sa Muntinlupa.

Tikom din ang bibig ng BuCor hinggil sa posibleng pagsibak ni Justice Sec. Vitaliano Aguirre II sa mga opisyal ng NBP.

Una nang kinumpirma ni Aguirre ang panunumbalik ng drug trade sa NBP.


Gayunman, tiniyak nito na reresolbahin niya ang muling pamamayagpag ng iligal na droga sa NBP.

Una na ring dumistansya ang pamunuan ng PNP sa posibleng imbestigasyon ng DOJ sa Special Action Force Commandos na nagbabantay sa loob ng naturang bilangguan.

Facebook Comments