Bureau of Custom, inaalam na kung sino ang nasa likod ng milyun-milyong unregistered health products na nasabat sa Maynila

Patuloy na nagkakasa ng imbestigasyon ang Bureau of Customs (BOC) para matukoy ang ilang personalidad o grupo na nasa likod ng higit ₱30-M counterfeit at unregistered health products.

Nasabat nila ito sa ikinasang magkahiwalay na operasyon sa Sta. Cruz, Maynila.

Nasa ₱9.5-M na halaga ng health products tulad ng mga capsules at tablets kabilang na ang mga cosmetic at beauty products ang nasabat sa warehouse sa Ongpin.


Habang nasa ₱22-M naman na halaga ng kaparehas na produkto ang nakumpiska ng mga tauhan ng Customs sa isa pang warehouse sa Fernandez Street sa Sta. Cruz.

Karamihan sa mga nasabing produkto ay mula sa bansang China habang ang iba ay galing dito sa ating bansa.

Katuwang ng Customs sa operasyon ang mga tauhan ng NBI at AFP kung saan lahat ng produkto ay walang clearance sa Food and Drug Administration (FDA).

Pansamantala naman isinara ang dalawag warehouse na kasalukuyan binabantayan ng mga otoridad upang walang mailabas na produkto at inaalam na rin kung sini ang may-ari nito.

Facebook Comments