Binalaan ng Bureau of Customs (BOC) ang publiko na huwag basta-basta maniniwala sa panibagong scam gamit ang messaging app.
Nakatanggap ng ulat ang BOC na may ilang indibidwal ang nagpapakilalang opisyal nila gamit ang WhatsApp para mangikil ng pera.
Mismong ang pangalan ni Commissioner Bienvenido Rubio ang ginagamit ng mga scammer kaya’t inaakala ng ilan na lehitimo ang transaksyon.
Maraming reklamo na ang nakatanggap ng BOC kung saan ang iba ay natatangayan ng malaking halaga.
Muling iginiit ng ahensiya na hindi sila kailanman nakikipag- transaskyon sa social media o messaging platforms partikulat ang WhatsApp.
Kaugnay nito, hinihikayat ng BOC ang publiko na maging mapanuri, magtanong at makipagtransaksyon lamang sa kanilang tanggapan lalo na kung sensitibo amg impormasyon at magbabayad ng anumang serbisyo sa ilalim ng ahensiya.