Bureau of Customs, dumipensa sa pagkuha ng mga atleta

Manila, Philippines – Dinepensahan ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Nicanor Faeldon ang mga atleta sa kanilang ahensya.

Ayon kay Faeldon, malaki ang naitutulong ng mga atleta para mapalapit ang customs sa publiko dahil good communicators ang mga ito.

Nangangalap din aniya ng impormasyon ang mga kinuha nilang atleta para sa intelligence group ng ahensya.


Paliwanag pa ni Faeldon, hindi empleyado ng BOC ang mga aktibo at retired athletes dahil contractual ang mga ito.

Giit pa ni Faeldon, tapos na ang kontrata ng 27 atleta at hindi sila lahat ire-renew ahensya.

Facebook Comments