Kinalampag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Bureau of Customs kasunod ng kautusan nito na nagbabawal sa importasyon at paggamit ng vape o e-cigarettes.
Sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi dapat makalusot sa bansa ang alinmang uri ng electronic cigarettes.
Marapat aniyang bantayang maigi ng BOC ang lahat ng paliparan at pantalan laban sa posiblidad na maipasok ng bansa ang vape cigarettes.
Asahan na aniya ang ilalabas niyang executive order hinggil dito sa mga susunod na araw, pero sa ngayon, bawal na aniya ang paggamit nito.
Una nang inatasan ni Pangulong Duterte ang mga otoridad na arestuhin ang sinumang gumagamit ng vape sa mga pampublikong lugar.
Facebook Comments