Bureau of Customs, naabot ang target collection para sa buwan ng Hunyo

Naabot ng Bureau of Customs (BOC) ang target collection nito para sa buwan ng Hunyo.

Ayon sa BOC, mahigit ₱13 billion ang sobrang nakolekta ng ahensya noong nakaraang buwan.

Batay sa report ng Bureau of Treasury (BTr), ang June collection ng ahensya ay umabot sa kabuuang ₱434.169 billion mula Enero hanggang Hunyo ngayong taon.


Mas mataas ito ng ₱13.505 billion o 3.21% sa ₱420.66 billion na revenue target.

Nangangahulugan ito na umangat ng ₱37.434 billion ang kolekisyon ng BOC kumpara noong isang taon.

Inihayag ng BOC, na ang pinaigting na kampanya laban sa smuggling ang pangunahing dahilan upang makamit ng bureau ang target nito.

Facebook Comments