Nakipag-ugnayan na ang Bureau of Customs (BOC) sa tanggapan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) matapos ma-hack ang kanilang sistema.
Sa inilabas na pahayag ng BOC, ilan sa mga apps at portal ng kanilang ahensya ay napasok ng mga hackers na mula sa Pilipinas.
Inaalam na rin kung ilan ang napasok o nakuhang datos ng mga hacker kung saan posibleng nakuha ng mga ito ang pangalan, e-mail address, kompanya, contact details at TIN ng mga may account sa online ng BOC.
Kaugnay nito, pinapayuhan ng Customs ang mga may mga account sa kanilang online na baguhin ang mga password at i-report ang mga kahina-hinalang aktibidad sa mga portal ng ahensiya.
Patuloy naman ang imbestigasyon ng DICT upang malaman kung paano napasok ng mga hackers ang online ng BOC ang kung sino-sino ang may gawa nito.