Bureau of Customs, pinaigting ang operasyon kontra pekeng COVID related products

Pinaigting ng Bureau of Customs ang operasyon kontra pekeng COVID-19 related products.

Maliban kasi na hindi ito sumasailalim sa legalidad at posible itong makaapekto sa kalusugan ng publiko.

Tiniyak ni Customs Spokesperson Assistant Commissioner Vincent Philip Maronilla ang mahigpit na koordinasyon sa Department of Health at Food Drug Administration upang masiguro ang regulasyon kontra pekeng COVID-19 related products.


Matatandaang may mga insidente na nahuhuli ang ahensya ng face masks at mga gamot kontra COVID-19 na hindi sumailalim sa vertification process.

Facebook Comments