Bureau of Fire Protection, nananatiling abala sa clearing operations sa Marikina

Patuloy ang pagsasagawa ng clearing operations ng mga tauhan ng Bureau of Fire Protection o BFP sa mga lugar sa Marikina City na binaha ng matindi dahil sa pananalasa ng Bagyong Ulysses.

Gamit ang kanilang mga fire truck ay pinagsisikapan ng mga kawani BFP na maalis ang makapal na putik na idinulot ng pagbaha.

Bukod dito ay tumutulong din ang mga tauhan ng BFP sa paghahanda ng pagkain ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office o MDRRMO mobile kitchen.


Para naman ito sa mga tumutulong sa clearing at rescue sa mga biktima ng kalamidad sa Marikina City.

Ang BFP ay puspusan ding tumulong sa paglilikas at pag-rescue sa mga na-trap sa pagbaha sa kasagsagan ng paghagupit ng Bagyong Ulysses.

Naging sentro ng kanilang evacuation at rescue operations ang mga binahang lugar sa Bagong Silangan sa Quezon City, Santolan sa Pasig City, sa Marikina at sa Rodriguez, Rizal.

Facebook Comments