Bureau of Immigration, blangko pa sa status ng kaso ni ret. Col. Garma sa US

Blangko pa rin ang Bureau of Immigration (BI) sa status ng kaso sa Amerika ni retired Col. Royina Garma.

Ayon kay Immigration Commissioner Joel Anthony Viado, naghihintay pa rin sila ng formal information mula sa US government kaugnay ng kaso ni Garma.

Tumanggi naman si Viado na magkomento sa katanungan hinggil sa kung bakit hindi naging airport-to-airport deportation ang ginawa kay Garma.


Aniya, ang US lamang ang maaaring sumagot at magpasya sa kaso ni Garma.

Magugunitang nitong nakalipas na buwan ay naharang si Garma at ang kanyang anak ng US Customs and Border Protection matapos na ikansela ng Amerika ang kanilang visa.

Facebook Comments