Pinaghahandaan na ng Bureau of Immigration (BI) ang posibleng mangyaring suspensyon o sibakan sa kanilang hanay lalo na ang mga nakatalaga sa mga paliparan.
Sa harap ito ng nagpapatuloy na imbestigasyon sa ilang opisyal ng BI na sangkot sa pastillas scam.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, alam nila na sakali mang mag-suspend o magpalit ng immigration personnel sa airport si Justice Secretary Menardo Guevarra ay dahil sa ito ang nararapat.
Una nang inaresto ng National Bureau of Investigation o NBI ang mismong hepe ng NBI Legal Assistance Section at kapatid nito.
Ito ay dahil sa ginagawa raw na manipulasyon at extortion nina Atty. Joshua Paul Capiral at Christopher Capiral na isang immigration officer, sa mga sangkot sa eskandalo.
Sinasabing tumatanggap ng bribe o suhol si Atty. Capiral mula sa mga sangkot sa pastillas scandal para makalusot ang mga ito sa kaso.
Una rito, ilang opisyal at empleyado ng Bureau of Immigration ang kinasuhan na ng NBI sa Office of the Ombudsman kaugnay ng pastillas scam.