Bureau of Immigration, dapat magpaliwanag kung paano nakalabas ng bansa si Atty. Harry Roque

Para kay Manila 6th district Rep. Benny Abante na isa mga namumuno sa House Quad Committee, mahalagang maipaliwanag ng Bureau of Immigration o BI kung paano nakalabas ng bansa si dating Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque.

Pahayag ito ni Abante makaraang kumpirmahin mismo ni Roque na wala na siya sa Pilipinas at lumalabas na sa Abu Dhabi niya pinanumpaan ang isinumite nyang counter affidavit para sa kasong qualified human trafficking.

Nagtataka si Abante kung paano nakapasok sa naturang bansa si Roque ng hindi dumadaan sa official channel tulad sa immigration.


Bukod sa mga kasong kriminal ay pinapaaresto rin ng Kamara si Roque matapos patawan ng contempt dahil sa pagtangging isumite ang mga dokumentong hinihingi ng quad committee at hindi na pagsipot sa mga pagdinig.

Facebook Comments