Nag-deploy ang Bureau of Immigration (BI) nang nasa 155 mga Immigration officers ngayong panahon ng Kuwaresma.
Sa Laging Handa public briefing, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na maliban sa 155 additional personnel ay may 36 na mga graduate sa Philippine Immigration Academy ang itinalaga na rin sa iba’t ibang mga paliparan.
Ang dagdag na pwersa na ito ay tutulong para mapagserbisyuhan ang mga kababayan nating aalis at babalik ng bansa ngayong Holy Week.
Sinabi pa ni Sandoval na all hands-on deck ang Bureau of Immigration ngayong panahon ng Semana Santa sa harap ng inaasahang pagdagsa ng mga pasahero sa iba’t ibang paliparan ng bansa.
Ayon pa kay Sandoval, makakatulong din sa mga pasahero ang kanilang ipinost sa social media na Immigration traffic updates.
Sa pamamagitan nito ay malalaman ng travelling public ang congestion sa Immigration area.