Bureau of Immigration, dumepensa sa pag-alis ng travel restrictions sa 10 bansa sa kabila ng banta ng Delta variant

Dumepensa ang Bureau of Immigration sa pag-alis ng travel ban na ipinatutupad ng gobyerno sa 10 bansa sa kabila ng kinakaharap na mas nakakahawang COVID-19 Delta variant.

Sa interview ng RMN Manila, sinabi ni Immigration Spokesperson Dana Sandoval na nagkaroon kasi ang Inter-Agency Task Force ng bagong kategorya pagdating sa bilang ng mga COVID-19 cases sa mga bansa.

Ngayong araw, papayagan nang makapasok sa bansa ang mga magmumula sa:


– India
– Pakistan
– Bangladesh
– Sri Lanka
– Nepal
– United Arab Emirates
– Oman
– Thailand
– Malaysia
– Indonesia

Sa kabila niyan, kinakailangan pa ring sumunod ng mga ito sa ipinatutupad na quarantine protocols pagdating dito sa Pilipinas.

Facebook Comments