Handa ang Bureau of Immigration (BI) sa pagdagsa ng mga dayuhang estudyante na mag-aaral sa mga unibersidad sa bansa.
Tinitiyak ni BI Commissioner Jaime Morente mananatiling mabilis at maayos ang pagkuha ng student visa.
Inatasan na rin ni Morente ang mga personnel ng mga ahensiya o mga stakeholder na tiyaking maayos ang processing ng mga dokumento sa mga nagbabalik na dayuhang estudyante.
Paliwanag mi Morente, ito ang magsisilbing ambag ng kanilang tanggapan upang makatulong sa pagbangon ng sektor ng edukasyon na lubhang naapektuhan ng krisis sa COVID-19.
Nabatid na sa kasagsagan ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas, karamihan sa mga dayuhang estudyante ay umuwi sa kanilang mga bansa dahil sa naganap na closures at lockdowns.
Sa record ng Immigration, umaabot 35,000 na foreign students ang nasa bansa na karahiman ay kumukuha ng kursong may kaugnay sa medical field.