Humingi ang Bureau of Immigration (BI) sa National Bureau of Investigation (NBI) ng mga pangalan at iba pang detalye ng 200 indibidwal na nakakuha ng palsipikadong birth certificates mula sa civil registry ng Sta. Cruz, Davao del Sur.
Humingi rin ang BI sa Philippine Statistics Authority (PSA) ng mga impormasyon hinggil sa mga Pilipinong nakapag-avail ng late registration scheme at nabigyan ng birth certificates.
Ang naturang data ay isasailalim sa beripikasyon para malaman kung ang natirang mga Pinoy ay nabigyan ng Philippine passports.
Ayon sa BI, nakasalalay kasi rito ang national security ng Pilipinas kaya kailangan agad itong maaksyunan.
Una nang natuklasan ng NBI ang 200 fake birth certificates, na karamihan ay inisyu sa Chinese nationals ng civil registry ng Sta. Cruz, Davao del Sur.