Bureau of Immigration, iginiit na legal ang pananatili ng mga foreign student sa bansa

 

Nilinaw ng Bureau of Immigration (BI) na dumaan sa tamang proseso ang mga foreign student na nakakuha ng visa kabilang na ang mga Chinese national na nasa lalawigan ng Cagayan.

Ito’y sa gitna ng mga duda sa malaking bilang ng mga foreign student lalo na ang mga Chinese.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, ang proseso sa pagkuha ng student visa ay sa pamamagitan ng pagtungo sa embahada o konsulado ng Pilipinas kung saan residente ang dayuhan.


Ang ikalawa naman ay pagpasok sa bansa bilang turista at ang paaralan kung saan sila mag-aaral para makakuha ng petisyon upang mabigyan ng student visa.

Sasalang naman ito sa validation ng
Commission on Higher Education
(CHED) kasama ang BI at kapag naisapinal na ang documentation ay saka lamang ipatatawag ang dayuhan para sa biometrics.

Simabi pa ni Sandoval na mas dumami ang dayuhang estudyante matapos ang pandemya na ang pinakamalaki ay mga Chinese na lagpas 16,000 noong 2023.

Kasama sila sa higit 24,000 na nabigyan ng student visa sa buong bansa kabilang ang mga Indian, Nigerian, Koreans at mga American national.

Facebook Comments