Bureau of Immigration, ikinabahala ang pagtaas ng bilang ng mga dayuhan na nahuhuling gumagamit ng pekeng dokumento

Nababahala ang Bureau of Immigration (BI) sa pagtaas ng bilang ng mga dayuhan na may mga pekeng dokumento.

Ayon kay Immigration Spokesperson Dana Sandoval, maituturing na national security concern na ang nasabing isyu.

Ito’y dahil patuloy ang pagtaas ng bilang ng mga foreign national na naaaresto matapos gumamit ng mga pekeng dokumento upang makapasok sa bansa.


Aniya, umaabot ng higit 10 dayuhan ang kanilang nahuhuli kung saan may mga impormasyon mula sa Chinese community na ang presyo para sa pagproseso ng mga pekeng birth certificate, kabilang ang iba pang government ID ay umaabot sa P300,000.00.

Sinabi ni Sandoval, bagama’t hindi sila naglalagay ng paghihigpit sa mga may hawak ng pasaporte ng Pilipinas may mga hakbang sila upang hindi makapasok amh mga dayuhan na nagpapakilalang mga pilipino.

Mahigpit rin iniutos ni BI Commissioner Norman Tansingco na dadaan sa masusing assessment ng immigration ang lahat ng mga biyahero partikular ang mga papasok ng bansa.

Facebook Comments