Sa kabila ng mga batikos na tinatanggap ng Bureau of Immigration (BI) ngayon kaugnay ng kontrobersyal na paglabas sa bansa ni dating PCol. Royina GarmaGarma ay ipinagdiwang naman ng ahensya ang hatol na guilty sa Kenyan National na si Cholo Abdi Abdulah sa Amerika.
Matatandaang nadakip ng Intelligence Officers and Anti-Terrorist Group ng BI noong taong 2020 si Abdulah at pagkatapos ay ikinulong ito ng Philippine National Police (PNP) sa paglabag nito sa batas laban sa firearms and explosives.
Ayon sa mga awtoridad ng Estados Unidos, si Abdulah ay iniuugnay sa isang malaking terrorist group at nag-training muna sa Somalia bago napadpad sa Pilipinas upang mag-aral sa isang flight school noong 2018.
Iniugnay ang aktibidad na ito sa paghahanda sa isang kahalintulad ng 9/11 attack sa US.
Sa pagkakadakip ni Abdullah sa Pilipinas ay napigilan umano ang mga masasamang plano nito.
Patuloy raw na makipagtutulungan ang BI sa local and international law enforcement agencies para makakuha pa ng mas maraming impormasyon sa iba pang terrorist activities.