Gumugulong na ang imbestigasyon ng Bureau of Immigration (BI) sa human trafficking ng mga Pinay patungong Syria gamit ang tinaguriang “baklas passport” scheme.
Partikular na nagsasagawa ng imbestigasyon ang BI-Board of Discipline.
Kasunod ito ng nabunyag na pagdinig sa Senado na may mga dalagitang Pinay mula sa Mindanao na may edad 14-anyos ang ipinadadala sa Syria gamit ang pekeng pasaporte at sinasabing nakakalusot sa immigration officers.
Base sa kwento ng mga biktima ng trafficking, isa sa kanila ay nagmula sa Cotabato at dalawa ang na-recruit mula sa Maguindanao.
Una nang natanggap na ng Department of Justice ang resulta ng inisyal na report ng BI hinggil sa nasabing eskandalo.
Facebook Comments