Kinumpirma ng Bureau of Immigration (BI) na kasama na ang mga turista mula sa Taiwan sa pinaiiral na temporary travel ban ng pamahalaan kasukod ng banta ng 2019 nCoV.
Ayon sa BI, ito mismo ang kinumpirma sa kanila ng Department of Justice (DOJ).
Pebrero 2 nang simulang ipatupad ng BI ang temporary travel ban sa lahat ng Foreign Nationals mula China at Special Administrative Regions nito gaya ng Hong Kong at Macau.
Nakasaad sa kautusan na ang lahat ng dayuhan mula sa China, Hong Kong, at Macau sa nakalipas na 14 na araw ay hindi papapasukin sa bansa.
Tanging mga Filipino citizens at dayuhan na may permanent resident visa lamang ang papayagang makapasok ng Pilipinas.
Gayunman, dadaan muna sila sa assessment ng Bureau of Quarantine (BQ).
Magugunitang Hindi nakasama ang Taiwan sa unang implementasyon ng travel ban matapos magkaroon ng kalituhan.
Pero paliwanag ng DOH dahil sa One-china policy ay kasama ang Taiwan sa travel ban.
Sa ngayon, bawal munang bumiyahe patungong China, Hong Kong, Macau, at Taiwan ang mga Pinoy maliban lamang kung bahagi sila ng government delegation, member ng World Health Organization (WHO), at iba pang ahensya na sangkot sa paglaban sa 2019 nCoV.