Bureau of Immigration, kukuha ng bagong tauhan para ipakakalat sa undas at holiday season

Manila, Philippines – Inihayag ngayon ng pamunuan ng Bureau of Immigration na kukuha sila ng karagdagang 100 personnels upang ipakakalat sa Ninoy Aquino International Airport at iba pang Paliparan sa sa susunod na buwan bilang paghahanda sa inaasahan pagdating at pag-alis ng mga pasahero na luluwas sa kani-kanilang probinsiya sa Holiday Season.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente inaasahan na nito na ipapalabas ng DOJ ang appointment papers sa bagong itatalagang BI personnel bago ang katapusan ng buwan upang agad na sasanayin ang mga ito at uumpisahan ang kanilang trabaho ngayong Nobyembre.

Paliwanag ni Morente panahon na para kumuha ng mga regular na empleyado bilang paghahanda sa Undas, ASEAN Summit at Holiday Season.


Sa panig naman ni BI Chief personnel at Spokesman Grifton Medina ang aplikasyon para sa posisyon na Immigration Officer 1ay dapat mayroong Professional Civil Servce eligible at four year College degree.

Umaasa naman si Medina matatapos na ang 600 items para sa promosyon bago ang katapusan ng buwan.

Facebook Comments