Bureau of Immigration, may paalala sa mga dayuhang turista na nais pumasok ng Pilipinas

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) sa mga dayuhang nais magtungo ng pilipinas na mag-apply para sa temporary visitors’ visas at entry exemption document (EED).

Ang naturang mga dokumento ay maaaring kunin sa Philippine posts sa abroad.

Ang paalala ng BI ay kasabay ng paglilinaw na bawal pang pumasok ang mga dayuhang turista sa bansa


Sa ngayon, ang tanging pinapayagan pa lamang na pumasok sa Pilipinas ay mga Pilipino, balikbayan, at mga dayuhan na may valid at existing visas na inisyu ng BI o ng alin mang Philippine government agencies.

Facebook Comments