Bureau of Immigration, naaalarma na sa pagtaas ng bilang ng mga Pinoy na gumagamit ng pekeng working permits

Naaalarma na ang Bureau of Immigration sa pagtaas ng bilang ng Pilipinong nagtatangkang magtrabaho sa abroad gamit ang pekeng Overseas Employment Certificates (OECs).

 

Ayon sa BI, nito lamang nakalipas na linggo, labing-pitong Pinoy ang nagtangkang lumabas ng bansa gamit ang pekeng OCE.

 

Sinamantala anila ng human traffickers ang pagdagsa ng mga pasahero sa airport nitong Lenten Season.


 

Partikular na puntiryang puntahan ng mga Pilipinong biktima ng illegal recruiters ang Dubai, Saudi Arabia at Thailand.

 

Tiniyak naman ni Immigration Commissioner Jaime Morente na hindi makakalusot ang mga gumagamit ng pekeng travel documents dahil naka-alerto ang kanilang mga tauhan sa NAIA.

Facebook Comments