Nagbabala ang Bureau of Immigration sa anila’y talamak na 3rd country recruitment sa overseas Filipino workers (OFWs).
Ayon sa BI, sa ilalim ng 3rd country recruitment, ang mga lehitimong OFWs ay nire-recruit patungo sa ibang bansa kapag ang visa nila sa kasalukuyang bansa na pinagtatrabahuhan ay expired na.
Nangangahulugan ito na kapag expired na ang kanilang kontrata sa abroad, sa halip na sila ay umuwi ng Pilipinas, pinapadala sila ng recruiter sa 3rd country.
Ayon sa BI, delikado ang naturang modus kasi kapag ang OFW ay nabiktima ng 3rd country recruitment, wala aniyang record sa kanilang estado ang Philippine government.
Noong Biyernes, limang OFWs ang napa-deport sa Pilipinas mula Moscow, Russia matapos silang mabiktima ng 3rd country recruitment.
Ilan anila sa nabiktima ng modus ay OFWs mula Hong Kong na pinadala ng Russia.