Binigyan na lamang ng Bureau of Immigration (BI) ng hanggang March 1 ang mga dayuhan sa Pilipinas para maghain ng kanilang annual report (AR) para sa taong ito.
Ayon sa BI, hindi na sila magbibigay ng extension para sa mga dayuhan sa bansa.
Sa ilalim ng Alien Registration Act, binibigyan ang mga dayuhan sa Pilipinas ng unang 60 araw ng kada calendar year para personal na mag-report sa BI.
Ang sinumang dayuhan na mabibigong makasunod sa nasabing panuntunan ay maaaring pagmultahin o mapa-deport sa kanilang bansa.
Kabilang sa sakop ng panuntunan ang foreign nationals na holders immigrant at non-immigrant visa.
Kailangan din nilang iprisinta sa BI ang kanilang original alien certificate of registration identity card (ACR I-Card) at valid passport.
Exempted naman sa personally appearance ang mga dayuhan na edad 14 taong gulang pababa gayundin ang mahigit 65 taong gulang, buntis, persons with disabilities at mentally and physically incapacitated.