Bureau of Immigration, nagdeploy ng karagdagang mga tauhan kaugnay ng pagdating ng ASEAN delegates

Manila, Philippines – Nagdeploy ang Bureau of Immigration (BI) ng karagdagang limampung mga tauhan sa mga international airport kaugnay ng pagdating sa bansa ng mga delegado para sa 31st Association of Southeast Nation (ASEAN) Summit.

Ayon kay Immigration Chief Personnel Officer at Acting Spokesman Grifton Medina ,karamihan sa mga immigration officer na nilagay sa mga paliparan ay mula sa iba’t-ibang mga BI field office at seaport sa buong bansa.

Ang ilan din aniya ay galing sa main office ng BI sa Intramuros, Maynila.


Ayon naman kay Immigration Port Operations Division Chief Marc Red Mariñas ,bumuo na sila ng mga special team ng immigration officers para magproseso sa pagdating ng mga delegado ng ASEAN at iba pang dayuhang bisita na sakay ng chartered o special flights.

Facebook Comments