Bureau of Immigration, nagkasa ng balasahan sa Warden Facility Protection Unit sa Taguig

Nagpatupad ng revamp ang Bureau of Immigration (BI) sa kanilang mga personnel sa Warden Facility Protection Unit (WFPU) sa Camp Bagong Diwa, Taguig.

Ito ay matapos madiskubre sa detention center ang mga gamit na ipinagbabawal partikular sa sleeping quarters ng mga guard.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ipinag-utos na ang pagsibak sa pwesto kay BI-WFPU head Niño Oliver Dato


Kabilang sa nasamsam sa ikinasang random inspection ang mga laptop, chargers, speakers, tablets, cellular phones, DVD players, power banks, casino chips, carpentry tools, mga sigarilyo, lighters, kutsilyo at mga pirated DVDs.

Nakuhang rin sa detention center ang pera na nagkakalaga ng P100,000 gayung P5,000 lang ang pinapayagang itabi sa ward.

Sabi ni Morente, isasailalim sa forensic examination ang mga nakumpiskang laptop at cellphone para malaman kung nagagamit ang mga ito sa ilegal na aktibidad.

Facebook Comments