Bureau of Immigration, naglunsad ng manhunt operation laban sa Jordanian national na biglang nawala matapos dumalo sa court hearing

 

Naglunsad ang Bureau of Immigration (BI) ng active manhunt operation laban sa Jordanian national na biglang nawala matapos dumalo sa court hearing.

Kinilala ang Jordanian na si Tarek Nihad Siam, 47 na una nang naaresto noong 2022 matapos i-turn over sa BI ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ipinasakamay ito sa mga awtoridad dahil sa mga paglabag gaya ng pagkakasangkot sa gun possession at physical injuries.


Sa paliwanag na isinumite sa ng escort ni Siam, dinala ang banyaga sa Regional Trial Court Branch 237 sa Makati City noong January 16 dahil sa paglabag nito sa kasong paglabag sa comprehensive law on firearms and ammunition.

Nagtapos ang hearing bandang tanghali at nang papalabas ng courthouse, hiniling daw ni Siam na gagamit ito ng palikuran.

Pinayagan naman itong gumamit ng comfort room at ginuwardiyahan ng BI agent sa pintuan ng restroom.

Pero nang mahalata ng mga ahente ng Immigration na matagal sa restroom ang banyaga ay dito na nila puwersahang binuksan ang pinto at dito nadiskubreng nawawala na si Siam.

Posible umanong dumaan ang banyaga sa maliit na bintana ng restroom para makatakas.

Facebook Comments