Bureau of Immigration, nagpaalala na epektibo na mamayang hatinggabi ang pagsama sa US sa expanded travel ban ng Pilipinas

Nagpaalala ang Bureau of Immigration (BI) na epektibo na mamayang hatinggabi ang pagpapatupad ng expansion ng entry travel restrictions kung saan kabilang na ang Amerika.

Kaugany ito ng bagong strain ng COVID-19 na mula sa South Africa at kumalat sa United Kingdom.

Bukod sa US, kasama rin sa travel ban ng Pilipinas hanggang sa January 15 ang mga sumusunod na 20 mga bansa at teritoryo:


• United Kingdom
• Denmark
• Ireland
• Japan
• Australia
• Israel
• The Netherlands
• Hong Kong SAR
• Switzerland
• France
• Germany
• Iceland
• Italy
• Lebanon
• Singapore
• Sweden
• South Korea
• South Africa
• Canada
• Spain

Muli namang nilinaw ng BI na ang mga Pinoy mula sa naturang mga bansa ay papayagan pa rin na pumasok ng Pilipinas.

Gayunman, sila ay dadaan sa mahigpit na 14 na araw na mandatory quarantine.

Facebook Comments