Bureau of Immigration, nagpaliwanag sa napaulat na hindi otorisadong paglipad ng isang private jet kagabi sa NAIA 1

Nagpaliwanag si Immigration Commissioner Norman Tansingco sa nabunyag na paglipad kagabi ng isang private jet sa NAIA Terminal 1 na sinasabing unauthorized departure.

Ayon kay Tansingco, base sa kanilang imbestigasyon, ang naturang chartered flight ay may sakay na sampu kung saan ang 3 dito ay mga crew.

Ipinaliwanag ng opisyal na ang chartered flights ay nasa category ng special flights, kung saan ang mga pasero ay hindi na dumadaan sa immigration area.


Sa halip, sila ay pino-proseso at ini-inspeksyon ng immigration officer sa may eroplano mismo.

Idinagdag ni Tansingco na lahat ng sakay ng nasabing flight ay dumaan sa derogatory checks at naging compliant naman sila sa immigration formalities.

Facebook Comments