Nagsagawa ng balasahan ang Bureau Of Immigration sa kanilang mga tauhan na makadestino sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon kay B.I. Port Operations Division Chief Grifton Medina, nasa 96 immigratiin officers at mga empleyado na naka-assign sa Border Control And Intelligence Unit o B.C.I.U ang nakasama sa nasabing balasahan.
Ito’y upang mapahusay pa ang serbisyo at matigil ang korupsyon sa immigration.
Sinabi ni Medina na mismong si Immigration Chief Jaime Morente ang nag-utos na balasahin ang mga B.C.I.U personnel na tatlong taon na din sa naia, na ang trabaho ay i-monitor at kilalalin ang mga pasahero galing sa ibang bansa.
Sila din ang tumutulong sa mga immigration officers para alamin ang mga pinaghihinalaang mga biktima ng human trafficking.
Iginiit pa ni Medina na noon pa daw dapat isinagawa ang naturang hakbang pero inantay muna nila na mayapos ang ban sa balasahan sa mga tauhan ng gobyerno dahil na din sa election period.
Matatandaan na una nang binalasa nang B. I ang ilan nilang opisyal na may mga posisyon sa naia at sa dalawa pang airport bilang parte para maging maayos ang operasyon sa mga paliparan.