Bureau of Immigration, naka-alerto na kaugnay ng nalalapit na ASEAN Summit

Manila, Philippines – Naka-heightened alert na ang Bureau of Immigration sa NAIA terminals at iba pang port of entry sa bansa dahil sa nalalapit na Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Leaders’ Summit sa Nobyembre.

Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, inatasan na niya si Immigration Port Operations Division Chief Marc Red Marinas na magtaas ng alerto para mapigilan ang pagpasok sa bansa ng mga dayuhang terorista.

​Sinabi pa ni Morente na nakikipag-ugnayan na ang Bureau of Immigration sa iba pang law enforcement at intelligence agencies ng gobyerno para matiyak na magiging mapayapa ang ASEAN Summit.


Nagpalabas na rin si Marinas ng memorandum na nag-aatas sa immigration officers na maging mahigpit sa pag-profile ng mga pasaherong dumarating at uma-alis ng bansa.

Kabilang na rito ang mga bibiyahe sa special at chartered flights.

Facebook Comments