Bureau of Immigration, naka-alerto na rin laban sa human traffickers ngayong Undas

Naka-heightened alert na rin ang  Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at iba pang ports sa buong bansa sa harap ng patuloy na pagbuhos ng mga international passengers na magbabakasyon sa panahon ng Undas.

Ayon kay BI Commisssioner Jaime Morente, partikular na binabantayan nila ang posibleng pagsamantala ng human trafficking syndicates para maipuslit ang kanilang mga biktima.

Ibinunyag din ni Morente na base sa mga intelligence reports, posibleng gamitin ng international human smuggling syndicates ang okasyon  bilang transit point ng illegal aliens na gustong pumasok, mag-settle at magtrabaho sa bansa.


Ayon naman kay BI Port Operations Division Chief Grifton Medina, mahigpit ang kanilang paalala sa Immigration officers na huwag magpa-distract sa malaking volume ng  travelers na bumubuhos sa mga paliparan tuwing holidays.

Facebook Comments